Thursday, January 26, 2012

Pulis, itinangging nagtatago si Palparan sa Aurora

Pulis, itinangging nagtatago si Palparan sa Aurora

January 22, 2012

Pinabulaanan ng Aurora provincial police office ang kumakalat na usap-usapang nagtatago umano si Retired Major General Jovito Palparan sa isang resort sa lalawigan ng Aurora.

Kumalat ang balita tungkol kay Palparan matapos umano ipinagbawal ang pagpasok ng mga bisita sa isang resort sa Aurora, at pagbawalan na lumapit ang mga mangingisda doon.

Sa panayam ng GMA News, inihayag ni Aurora Provincial Police director Senior Superintendent Benjamin Hulipas na hindi nila namataan doon ang puganteng dating opisyal ng militar.

Ayon sa kanya, negatibo ang resulta sa isinagawa nilang raids sa mga hotel at travellers' inn ng Aurora, kabilang na ang nasabing resort.

"Immediately ng matanggap namin ang information na [namataan doon si Palparan], pinakilos ko ang mga pulis ng Aurora at yung initial na lakad nila, yung verification, yung veracity ng report na yun e negative naman, wala si General Palparan sa sinasabing lugar na yun," ayon kay Hulipas.

Kasalakuyang nagtatago si Palparan matapos maglabas ang Bulacan court ng arrest warrant laban sa kanya at dalawa pang militar sa kasong kidnapping at serious illegal detention ng dalawang aktibistang mag-aaral noong 2006.

Read complete article @ www.gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

support hronlineph

Visit Human Rights Online Philippines

Visit Human Rights Online Philippines
articles and blogs on human rights