Apatnapu’t tatlong (43) mangagawang pangkalusugan (health workers) ang karagdagan sa mahabang listahan ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng pamumuno ni Gloria Macapagal Arroyo. Isang pahabol sa kanyang terminong patapos.
Apatnapu’t tatlong (43) tagapagtanggol ng karapatang pantao nanaman ang minarkahang rebelde at kalaban ng pamahalaan. Ang apatnap’t tatlong (43) ito rin na dadagdag sa 258 na mga aktibistang kasalukuyang nakapiit, ang kinakasuhan ng kriminal o kaya ay terorismo. Isang diskarteng mapaniil upang tuluyan ang pagkakulong at supilin ang katunggaling pampulitikang paniniwala.
Naninindigan ang Free All Political Prisoners and Political Detainees Campaign Network na isang tahasang paglabag sa karapatang sibil pulitikal ng 43 “Health Workers” ang naganap na iligal na pag-aresto sa kanila nitong nakaraang ika-6 ng Pebrero 2010 sa isang training center sa Morong rizal.
Ang kawalan ng warrant of arrest at pagtatanim ng ebidensya ay gawi ng AFP sa mga taong nais nitong idiin, na malinaw na paglabag sa kanilang karapatang pantao.
Sadyang kampante na makalulusot ang militar at pulis, sapagkat matapos ikulong sa Kampo Capinpin ay ilang araw na ipinagkait sa mga biktima na makita man lang ng mga kaanak, ng abogado at maging ng Commission on Human Rights (CHR). Ito ay sa kabila ng kapapasa lamang na batas laban sa tortyur o sa anumang marahas at ‘di makataong pagtrato o pagpaparusa.
Ang sinapit ng 43 health workers ay nagpapakita sa sistematikong paglabag ng AFP sa dapat sana’y nirerespeto at itinataguyod na mga karapatang sibil at pulitikal na ginagarantiya ng Konstitusyon.
Pinapakita lamang na sa larangan ng pagtataguyod ng karapatang pantao ay salat ang sandatahang lakas bagkus walang pangingimi na pangatwiranan ang kanilang kondukta sa kabila ng pagkakaroon ng batas laban sa tortyur
Matagal nang kinilala sa daigdig na ang pagwawalang-bahala at paglalapastangan sa mga karapatan ng tao ay nagbubunga ng mga gawang di makatao na humahamak sa budhi ng sangkatauhan tulad ng isinasaad sa UDHR.
Ang paglabag sa due process, deprivation of liberty, tortyur at iba pang indignidad na dinaan ng mga biktima ay walang lugar sa isang demokrasya. At ang mga tagapagtaguyod ng ganitong mga paglabag , kung gayon, ay hindi dapat hayaang mamayagpag.
Hindi rin makatwiran ang pinapahayag ng alegasyon ng mga kawani ng sandatahan lakas na ang panggagamot sa mga kasapi ng NPA ay isang kasalanan. Kanila atang nakakaligtaan na ang karapatang magamot ng mga sugatan at may sakit kahit sa gitna giyera ay iginagalang sa buong mundo.
Walang puwang ang tortyur at iba pang pagpapahirap at di makataong pagpaparusa sa isang demokratikong lipunan.
At lahat ay may karapatang ituring na walang-sala hangga’t di napapatunayang nagkasala, gayundin ang karapatan magkaroon ng abogado at karapatang maipagtanggol ang kanyang sarili laban sa anumang akusasyon o pagkakasala.
Lahat ng ito’y dapat tinamasa ng 43 health workers nuong ika 6 ng Pebrero ngunit patuloy na pinagkakait sa kanila. At bilang Commander in Chief ng sandatahang lakas, ang ultimong may pananagutan sa ganitong mga paglabag ay si GMA, na sa kanyang pananahimik ay nangangahulugang pagkandili sa ganitong kalakaran.
Pinananawagan at pinaninindigan ng Free All Political Prisoners and Political Detainees Campaign Network na hindi dapat pinalalagpas at dapat mapanagot ang nakakawilihang paglabag sa karapatang pantao ng mga kawani ng sandatahang lakas.
Dapat itigil ang mga iligal na pag-arestong katulad ng sa Morong 43. Igiit at ipagtanggol ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa pantay ng pagtingin ng hukoman at hustisya.
Itigil ang panggigipit sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao!
Itigil ang represyon at panunupil ng lahat ng karapatang pantao!
Ipataw ang kaparusahang batay sa RA 9745 o Anti-torture Act sa mga mapapatunayang lumabag dito!
Palayain ang Morong 43! Palayain ang lahat ng bilanggong Pulitikal!
Ika-17 ng Marso 2010
FREE ALL POLITICAL PRISONERS & POLITICAL DETAINEES CAMPAIGN NETWORK
Alliance of Progressive Labor (APL);
Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP);
Balay Rehabilitation Center, Inc.(BALAY); Bukluran ng Mangagawang Pilipino (BMP);
Freedom of Four Political Detainees in MCJ (F4)
Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND);
KAPATID; Kilusan para sa Pambansang demokrasya (KPD); Medical Action Group (MAG);
Moro Human Rights Center (MHRC); Nuclear Free Bataan Movement-Network (NFBM-Net);
Partnership for Agrarian Reform and Rural Development Services (PARRDS);
Partido ng Lakas ng Masa (PLM); Partido ng Manggagawa (PM);
Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA);
REHAS; Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK); SALINLAHI; SANLAKAS;
Task Force Detainees of the Philippines (TFDP); Youth for Nationalism and Democracy (YND);
Youth for Rights (Y4R)
###
For more information:
Egay Cabalitan (Advocacy Staff- Task Force Detainees of the Philippines)
0929 5349233
4378054
Today we will be webcasting live at the Commission on Human Rights' hearing of the illegal arrest, continued detention, and alleged torture of the 43 health workers in the hands of the military.
ReplyDeletePlease join us! Watch the LIVE webcast at 8 AM: http://www.kodao.org/morong43liveatchr
Thanks!